PAKIUSAP, TIGILAN N’YO NA ANG PAGGAWA NG DAHILAN NA IKAGUGULO NG ATING SINTANG PAARALAN.
Quotes from the Open Letter sent by SAMANAMA (Samahan ng mga Mag-aaral na Nagmamahal sa mga Magulang):
“.. halos dalwang taon kaming tahimik nang mawala ka sa ating paaralan ..” “.. naging matino ang samahan ng mga mag-aaral, guro, empleyado, at administrasyon ..”
-Hahaha… natatawa ako sa mga passage na ‘to, kasi naman, naalala ko yung time na pumunta pa yung student regent from PUP Main na si Ms. Sopia Prado sa ating paaralan dahil sa gulong buhat ng hindi mapagkasunduang araw ng pag-susuot ng uniform, at napagsabihan pa sya ng isang professor na lalake (nga ba?) ng: “WALA KANG KARAPATANG MAGSALITA DITO”. Naalala ko rin yung time na nakita ko mismo kung paano nagwala, nagsisigaw, at namula ang mukha ng isang babaeng professor sa loob ng canteen habang isinasagawa ang Meeting de Avance sa pagitan ng GABAY at SLP sa stage ng quadrangle. Ito na pala yung sinasabi nilang TAHIMIK at MATINO.
“.. ang lahat ng mga problema namin ay napag-uusapan sa mapayapang paraan ng walang halong pananakot ..”
-Isang lalaking professor ang nagbanta sa kanyang mga estudyante na ibabagsak sila nito sa subject nya kapag sinuportahan nila ang isang partikular na partidong lumalaban para sa posisyon sa SSC.. *nakakatakot naman : )
“.. hindi namin kailangan ang magarbong kasuotan para lamang pumasok ..”
-Kaya pala sapilitan tayong pinagsusuot ng uniform (wait, hindi ko nabanggit, IISANG SET NG UNIFORM SA LOOB NG APAT NA ARAW.. galaw ka?!), kaya pala kaylangan nating labahan ang uniform natin gabi-gabi o di kaya naman eh tuwing Miyerkules, kasi ayaw nila tayong magsusuot ng FREE STYLE o di kaya naman eh ayaw nilang gamitin natin sa loob ng paaralan ang ating magagarbong tsinelas (pakibasa ulit: MAGAGARBONG TSINELAS.. sa ikalawang pagkakataon, galaw ka?!). Nakakainis lang, kasi ito’y harapang paglabag sa sinasaad sa BINAYARAN kong Student Handbook, Revised Edition: Section 2, Social Norms (first article toh, see for yourself). Talo pa ako ng mga gwapong pulis na labas-masok sa PUP kahit may dala silang baril, HINDI LANG AKO MAGSUOT NG UNIFORM, BAWAL NA AKO PUMASOK AT MATUTO HANGGAT HINDI KO SAPALARANG TATAHAKIN MULI ANG DAAN PAUWI AT ISUOT ANG AKING UNIFORM NA MAAARING HINDI PA NATUTUYO MULA SA SINABAK NITONG LABA KAGABI (wala naman kasing araw sa gabi, wala din naman kaming ref, kawawang uniform). Naalala ko din na may mga adviser teachers na nag sasabi samin na mag YES dun sa signature campaign na isinaginawa para sa pagpapatupad ng apat na araw na pagsusuot ng uniform, na nagging dahilan kung bakit ito naipatupad.
“.. marunong din kaming gumalang sa aming kapwa mag-aaral ..”
-Oh yeah? Hindi ba’y harapang kawalan ng galang ang pamimigay ng mga pulyetos na naglalaman ng paninira sa isang lehitimong mag-aaral ng ating pamantasan? Napansin ko lang, ang nakapangalan sa ibaba ng mga pulyetos eh: SAMAHAN NG MGA MAG-AARAL NA NAGMAMAHAL SA MGA MAGULANG. Teka lang, ngayon ko lang narinig yun ah, meron ba talaga nito? Gusto ko kasing sumali dahil mahal na mahal ko din ang aking mga magulang. Ayaw ko silang mahirapan lalo sa paglulukad, o di kaya naman eh lalong magtagal sa initan sa pagbubungkal ng lupa sa sakahang hindi naman namin pag-aari, dahil lamang bumaba ang pondo ng kasalukuyang gobyerno para sa edukasyon at magtataas na ng tuition fee ang Sintang Paaralan ng mga mahihirap next semester. Napakasakit lang na tila yata ginagamit pa nila ang aking mga magulang upang makuha ang aking simpatya para sa kanila at mamunghi sa taong kung tutuusin ay tinutulungan ako at tinutulungan ang mga magulang ko upang hindi sumakit ang ulo nila sa kaiisip sa kung saan huhugutin ang ang ipapambayad para sa aking tuition fee.
“.. mag-aral ka nalang at magtapos ng kahit papaano ay makatulong ka sa pamilya mo na gumapang upang makapagpatuloy ka sa pag-aaral ..”
-Papanong hindi aalalahanin ni Mr. Tan ang mga bagay na gusto ng mga taong ito’y pagdisisyunan nila lamang kung alam nyang hindi naman ang mga taong ‘to ang magbabayad ng kanyang tuition fee? Kung sila ang magbabayad sa mga gastusin ng lahat ng mag-aaral sa PUP, sige, payag. Pero kung hindi, wag na silang magtaka kung dumating ang araw na nagkakaisa ang mga mag-aaral kasama si Mr. Tan upang tutulan ang pagtaas ng tuition fee at hadlangan ang mga katiwaliang nagaganap sa loob ng pamantasan.
NOTE: THIS IS PROBABLY THE BEST PART:
“.. Please tumigil ka na, baka ilahad pa namin ang iyong pagkatao ..”
-Hahahaha.. Hindi ba harapang pananakot ito sa panig ni Mr. Tan? Wait, pakibasang muli yung sinulat nila sa itaas:
“.. ang lahat ng mga problema namin ay napag-uusapan sa mapayapang paraan ng walang halong pananakot ..”
At para bigyan ito ng katapusan, nais ko lamang ibalik sa mga myembro ng SAMANAMA (o SAMA-NAMAn) ang kanilang pahayag:
HUWAG N’YONG LASUNIN ANG ISIPAN LALO’T HIGIT ANG ATING MGA FIRST YEAR STUDENTS.
-Maraming Salamat.
No comments:
Post a Comment