Tuesday, October 19, 2010

MGA ISKO AT ISKA… PAG-USAPAN NATIN ANG PAULIT-ULIT NA USAPIN

MGA ISKO AT ISKA… PAG-USAPAN NATIN ANG PAULIT-ULIT NA USAPIN

“There is no constant in this world except changes” ito ang katagang namumutawi sa pangkalahatang ideya sa oras at panahon, panahong nagbabago; nagbabago ang bawat oras, panahon at kasaysayan; ang taon ay nagbabago; pero may napapansin ako… ano kaya ito? Ah, alam ko na.

Nasa loob pala ako ng pamantasan; pamantasang sinasabing pandayan ng kabataan… sa ideya ng kalayaan sa mga Iskolar ng Bayan; pamantasang popondohan ng karunungan, kaya sinasabi ng lahat… WE HAVE A FREE MARKET OF IDEAS. Ang tamis tikman at pakinggan ngunit may napapansin ako… Kayo ba? Napapasin nyo din ba?

Sistemang paulit-ulit
Ang sistemang di pa rin nababago sa loob ng PUP – napipintong pagtaas ng matrikula, sapilitang ambagan, miscellaneous na kaduda-duda, Budget Cut sa edukasyon, Income Generating Projects… maging takbo ng pamunuan ay di ko maitsurahan. Ano na tayo kaibigan? Syanga pala, idamay na natin ang ilang myembro ng administrasyon at iilang nagmamagaling na instructor sa pamantasan na wala ng maisip na taktika kundi ang umepal at nagmamarunong di-umano sa mga polisiyang nakabubuti sa mga Iskolar ng Bayan. tanong ko lang Ma’am at Sir, kumusta kaya ang politika nyo sa loob ng faculty sa pakikipagplastikan sa kapawa nyo? Naayos nyo na ba? Hehehe! Opps, wag magagalit tamaan man kayo; sige na nga, magalit na kayo.

Kumusta – ulit-ulit… na naman?!
2007 sa loob ng pamantasan ; oyyy! Si Ma’am ng guidance nagbaba ng utos na kumpiskahin ang ID sa mga estudyanteng di nagsasapatos, mahaba ang buhok, at nakahikaw?!
Tanong: Alam ba ng SSC ito? Nakasaad ba ito sa Student Handbook? Dumaan ba ito sa deliberasyon at konsultasyon sa mga Isko at Iska?
Sagot: Ang alam ko wala eh, pero may memo mula sa PUP Main na nakalagay na tanging mga empleyado at guro lamang ang inaatasan tulad ng pagsasapatos, pero di kasama dito ang mga students… Oy! Si Manong Utility, bakit hanggang ngayon naka-tsinelas pa din? Aba, nakumpiska na ba ng Guidance ang kanyang ID dahil naka-tsinelas sya?
Haist! Pati naman KARAPATAN KO DINAMAY PA. malinaw pala ito na illegal ang patakarang pangungumpiska ng ID kasi sabi sa batas, bawal mangumpiska kahit ang direktor, OSA, Presidente, maging Guard ng ID sa estudyante ayon sa student handbook… maaaring makasuhan ng administratibo. Kung gayon, dapat pala matagal ng kinasuhan ang departamento ng “Guidance Office” na hanggang ngayon di pa rin nagbabago ng ilegal na sistema ng Guidance. Hahaha! May nabalitaan ako, alam nyo ba nakatambak sa tanggapan ng Guidance ang mga ID ng estudyante? Syanga pala, sino na nga pala ngayon ang Guidance Councilor? Kayo, kilala nyo ba? Ako, hindi ko pa kilala. Itanong nyo sa SSC. Baka alam nila. At para alam din ng SSC, gisingin nyo ang komite ng Students Rights na matagal na atang tulog sa opisina nila… Hoy! Gising! TV Patrol na, baka DZRM ka pa!
Sakit na ng ulo ko, pero itutuloy ko pa rin ang kwento, tungkol naman ito sa pagko-quota ng klase ng CWTS 35/Class at mandatory ROTC sa PUP. Ito ay katotohanan. Ngunit wala naman talagang ganong policy, gawa-gawa lang nila ito. Sabi daw, “Internal Affairs” di umano ito ng Admin… Avah Maria, bongga na pala! May ganoon? 2007-2008 nangyari na din iyan peronaharang ng dating SSC president na si Kuya Jerom Obligar sa pormal na dialogue at pagpapalabas ng katotohanan. NAKAKAMISS ka din kaya ha! Ayos lang, andito pa naman sa piling namin si Kuya Ryan Tan, ang taray ha! Napasakit mo ang ulo ng mga umi-epal ng guro. Ayon, ginantihan ka tuloy. Nagpalabas agad sila ng Black Propaganda sa’yo gamit pa ang signatura ng SAMANAMA o Samahan ng mga Mag-aaral na Nagmamahal sa mga Magulang. Mas ok na tawagin nating “SAMANAMAn”. Magpakilala nga kayo. Huwag kayong magtago at huwag niyong lapastanganin ang pangalan ng Iskolar ng Bayan! Nadadamay ako noh! Di ba paparazzi! Nabalitaan ko din na magreresign daw si Ma’am Quidilig kung hindi i-uurong ang kaso ng 18 students na complainant sa kasong ito. Hay naku, pati si Ma’am Director naka-absent tuloy dahil naman sa sistema niyo. Kumusta naman si Ma’am Director, namimiss na sya ng mga komplinants, sabik na kasi silang makaenrol sa CWTS! Hay, buhay! Madrama talaga! Ayon, sa sobrang drama ni Ms. Olaivar, napa-cryola Best Actress talaga! Epek ang Lola!
Harassment, pananakot, pagdadrama, ay ilan lamang taktika ng mga ito para makuha nila ang panig ng mga nagrereklamo… balita ko ang tapang ng mga first year. Go! Go! Go! Salamat Kuya Ryan! Eto pa, si Sir Atienza umapela, kasi daw pakialamero si Ryan. Pakialamero ka naman, SPB ka naman pala Sir! Teka lang Sir, every year ka bang nagpapa-ambag sa CE at EE 1 para sa drafting room? Kawawa naman ang kapatid ko sa CE. Hay! Kumusta na kaya yong mga students na advisory class na nakakarinig ng greenminded ideas from you? Alam ba ito ni Director? Sana nakapagreview ng Code of Ethics ng professionalism ng ilang instructor.
Aray ko! Masyado na yata akong madaldal. Antok na ‘ko, ito na nga, seroius na tayo…

Nananatili pa rin ang alab ng sulo ng kalayaan mula sa mga lider kabataan sa loob ng pamantasan. Layon pa rin ng mga abanteng ito ang pagkundena sa mga di maka-estudyanteng polisiya maging pagtataguyod ng interes ng mga Isko at Iska.
Muli, ang magsasabing panggulo lamang sila sa loob ng pamantasan; tandaan natin, walang gulo kung mismo ang nagpapatupad ay tumatanaw sa interes ng estudyante. Kung nasa ayos ang delibarasyon at konsultasyon na walang halong pananakot tulad ng pagpapatupad ng 4 days school uniform at panduduro ng mga Instructor kay Onato Jeferson, isang Isko ng Pamantasan, noong kasagsagan ng konsultasyon sa usaping uniform. Masasabi bang maayos at tahimik ang PUP sa loob ng dalawang taon dahil walang lakas ng loob ang mayorya ng kabataan sa ayaw na ayaw sa 4 days school uniform.
Masasabi kung bagsak na ang Kredibilidad ng ilang naghahari-harian sa loob ng Pamantasan! Sir, Ma’am, kayo ang dahilan kung bakit dumadami na ulit ang mga progresibong lider sa loob ng Pamantsan!
Mangahas, makisangkot, makibaka. Kabataan, ikaw na nga! Makinig. Mag-obserba. Ramdamin. Makilubog. Makisangkot. Manindigan. Hayaan nating dalhin tayo ng katotohanan sa isang milyong dahilan kung bakit kailangan nating makibaka sa batayang masa.

No comments: