Tuesday, October 19, 2010

The PINOY Project

Fight for GREATER STATE SUBSIDY!!
P-NOY 100 Days Project

100 Araw, Nasaan na ang Pagbabago?

Pagsusuri sa unang 100 araw ng rehimeng US-Aquino
Inilabas ng Bagong Alyansang Makabayan
Oktubre 6, 2010


I have laid out the tenets that will mark the new Philippines: good governance, employment generation, quality education, improved public health, and a home for every family within safe communities.
Benigno Simeon Aquino III, Speech before the US-based Council on Foreign Relations, September 23, 2010

Oktubre 8 ang tinatayang ika-100 araw sa panunungkulan ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III. Ito ang sinasabing sapat na panahon para sukatin ang mga reporma at patakaran ng isang administrasyon. Indikasyon ito ng maaaring itakbo ng kabuuan ng termino ng isang pinuno.

Ang unang isang daang araw ni Aquino sa Palasyo ay kinakitaan ng pagpapatuloy at papapatindi sa maraming patakaran ng nagdaang administrasyon; ng kabiguan sa pagpapanagot ng malalaking mandarambong tulad ni Arroyo, nagpapatuloy na paglabag sa karapatang pantao, patuloy na pangangayupapa sa dayuhan, kawalan ng reporma sa lupa, ang matinding bangayan ng mga paksyon sa loob ng administrasyon, at kahinaan sa pamumuno sa mga mahahalagang usapin tulad ng naganap na Manila hostage crisis. Ang unang 100 araw ay maituturing na salat sa tunay na pagbabago.

Bagama’t sa pang-ibabaw ay  pilit ipinapakita ni Aquino na iba siya sa nagdaang rehimeng Arroyo (hindi paggastos ng malaki sa US trip, pagiging bukas sa media, pagrepaso sa mga appointments ni Arroyo, atbp.), hindi binago ng gobyernong Aquino sa maraming kontra-mamamayan, makadayuhan at anti-nasyunal na patakaran ng naunang rehimen. Marami sa hamon ng mamamayan ay sadyang binalewala, hindi binigyang-pansin, ni tinugunan.

  1. Ang rehimeng Aquino ay bigo sa pagpapanagot kay Arroyo at mga alipores nito sa usapin ng pandarambong, lansakang paglabag sa karapatang pantao, malawakang pandaraya sa eleksyon at iba pang mga krimen. Ito’y sa kabila ng pagbubuo ng Truth Commission na ngayon pa lamang ay bulnerable na sa mga maniobra ng kampo ni Arroyo tulad ng ligal na hamon sa Korte Suprema. Walang anumang  makabuluhang usad sa pagtamo ng hustisya.
  2. Si Aquino ay nagpapatuloy ng mga neo-liberal at maka-dayuhang patakaran sa ekonomiya na matagal nang nabigong iahon ang bansa mula sa kumunoy ng kahirapan. Nakaasa ito sa dayuhang pamumuhunan, dayuhang pautang at OFW remittances para patakbuhin ang ekonomiya. Wala itong plano para sa tunay na reporma sa lupa at pambansang industriyalisasyon.
  3. Nagpapatuloy ang mga paglabag sa karapatang pantao, partikular ang mga extrajudicial killings, pangunahin dahil nananatili pa rin ang Oplan Bantay Laya, ang counter-insurgency program na nagbubunsod nito at dahil walang mataas na opisyal militar o sibilyan na napapanagot kaugnay nito.
  4. Matingkad ang bangayan ng mga paksyon ng naghaharing-uri sa loob ng administrasyon bunga ng agawan sa “spoils of office”, bagay na nagiging  dahilan ng marami sa kapalpakan sa pamumuno (hostage crisis, jueteng, atbp.).
  5. Nagpakita rin si Aquino ng pagsuporta sa US war on terror, pananatili ng tropang Amerikano sa bansa at panghihimasok ng US sa rehiyon. Umaayon si Aquino sa mga dikta ng US kaugnay sa counter-insurgency.


Pagpapanagot kay Arroyo

There is hereby created the PHILIPPINE TRUTH COMMISSION… which shall primarily seek and find the truth on, and toward this end, investigate reports of graft and corruption of such scale and magnitude that shock and offend the moral and ethical sensibilities of the people
Executive Order No. 1

Sinabi ni Aquino sa inauguration speech niya na “there can be no reconciliation without justice”. Hanggang ngayon, bigo pa rin ang administrasyon Aquino na makagawa ng makabuluhang usad sa usapin ng pagpapanagot kay Arroyo at mga alipores niya na sangkot sa malawakang korupsyon, paglabag sa karapatang pantao at pangangayupapa sa dayuhang interes, lalo na ang imperyalismong US.

Ang sinasabing Truth Commission (TC) ay wala pang napapatunayan o nagagawang aksyon. Walang ngipin ang TC; halimbawa, hindi maaaring pwersahin ang mga testigo, kabilang na si Arroyo, na humarap sa kanilang pagdinig. Anupa’t sa halip na mapabilis ang pagsasampa ng mga kaso, bumabagal pa ito, dahil tali ang kamay  ng Department of Justice; halimbawa, na hindi maaksyunan ang kaso ng NBN-ZTE at ibang mga kaso ng korupsyon dahil kailangan pa nitong hintayin ang rekomendasyon ng TC.

Sa usapin ng pagpapanagot sa mga lumabag sa karapatang pantao sa ilalim ng rehimeng US-Arroyo, wala pang kaso na naisasampa sa mga tulad ni Gen. Jovito Palparan na kilalang sangkot at utak sa marami sa mga pagpatay at pagdukot ng mga aktibista.  Pinagtatakpan ng rehimeng US- Aquino ang  patakaran ng estado ng pagpatay at paghuli sa mga aktibista at tagasuporta nila sa ilalim ng rehimeng US-Arroyo.

Ayon sa isang pag-aaral, nasa 1.05% lamang ng mahigit 300 kaso ng extrajudicial killings sa panahon ni Arroyo ang humantong sa pagpapakulong ng mga suspek. Walang indikasyon na magbabago ang kalakarang ito sa ilalim ng rehimeng Aquino.

Hindi isinama ni Aquino ang usapin ng paglabag sa karapatang pantao sa mga dapat imbestigahan ng Truth Commission. Hindi layon ni Aquino na malaman ang katotohanan sa mga naging patakaran ng nagdaang rehimen kaugnay sa pagtarget sa mga aktibista. Una nang itinanggi ni Aquino na may patakaran ang estado, nakalipas man o kasalukuyan, na nagpapahintulot sa extrajudicial killings.

Matuturing na positibo ang pagkakatalaga kay Leila de Lima bilang kalihim ng Department of Justice. May positibong magagawa si de Lima para sa kaso ng Morong 43 at iba pang mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao. Nangako si de Lima na magbubuo siya ng ispesyal na grupo ng mga prosecutors na tututok sa kaso ng mga paglabag sa karapatang pantao. Sa kabila nito, hindi pa nakikita kung hahayaan ni Aquino si de Lima na gawin ang kanyang trabaho o kung sasagkaan din niya ito.

Bunga ng malakas na presyur at kampanya mula sa loob at labas ng bansa para palayain ang 43 manggagawang pangkalusugan, ipinag-utos ni  Aquino sa DOJ na repasuhi ang kaso ng Morong 43. Pero ang mga rekomendasyon ni de Lima ay kailangan munang dumaan sa pagsang-ayon ni Aquino.

Ayon sa Karapatan, may 388 bilanggong pulitikal mula sa panahon ni Arroyo na di pa rin napapalaya sa ilalim ni Aquino.

Isa pang larangan ng labanan para panagutin si Arroyo ay ang impeachment laban kay Ombudsman Merceditas Gutierrez. Si Guiterrez ay kilalang malapit sa pamilyang Macapagal-Arroyo, naging instrumental para protektahan si Arroyo sa mga kasong nag-uugnay sa kanya at mga opisyal niya sa malawakang korupsyon at tumatayong balakid sa pagpapanagot kay Arroyo at mga kasapakat niya.

Pinangunahan ng mga complainants tulad ng Bayan at Pagbabago, katuwang ang mga progresibong party-list, ang laban para panagutin si Gutierrez.  Ito ay sa kabila ng kawalan ng malakas na tulak ng Palasyo sa usapin. Nito na lamang huli nagpakitang-gilas ang mga alyado ni Aquino sa Kamara nang makwestyon ang kanilang kapangyarihan matapos maglabas ng status quo ante order ang Korte Suprema para ipahinto ang impeachment proceedings.


Nagpapatuloy na paglabag sa karapatang Pantao

Sa pagsapit ng 100 araw  sa pwesto ni Aquino, umabot na sa 16 ang kaso ng extrajudicial killings ayon sa Karapatan, o isa sa bawat linggo mula nang naupo si Aquino. Malaking bilang dito ay mga magbubukid. Sampal ito sa mukha ng administrasyon na nagmalaki noong SONA na 50% ng kaso ng extrajudicial killings (3 sa 6) sa ilalim nito ay nasampahan na ng kaso ang mga suspek.

Dagdag pa, nananatili ang mga kaso ng harassment, torture, pagdukot, pagsampa ng gawa-gawang aso at iba pang paglabag sa krapatang pantao. Pinalawig din ang madugong patakaran sa counter-insurgency na Oplan Bantay Laya na siyang dahilan sa maraming paglabag sa karapatang pantao sa panahon ni Arroyo. Hindi nagbago ang pagturing at pagtarget ng AFP sa mga ligal na aktibista bilang “enemies of the state”.

Sa halip na panagutin ang mga opisyal ng AFP, sinusuyo pa ni Aquino ang militar para sumuporta sa kanyang administrasyon. Hindi rin niya inuungkat ang mga kaso ng korupsyon sa AFP at PNP sa kabila ng mga pangako kaugnay ng “daang matuwid”.


Gobyernong maka-dayuhan

Our doors are wide open for investors, particularly in tourism, business process outsourcing, mining, electronics, housing and agricultural sectors.
Aquino, Speech before the US-based Council on Foreign Relations, September 23, 2010

Sa pagdalaw ni Aquino sa US – ang kanyang unang byahe sa labas ng bansa bilang pangulo – naging malinaw kung anung klaseng patakarang panlabas at patakaran sa ekonomiya, ang ipapatupad ng kanyang gobyerno.

Dito higit na pinatibay ang di-pantay na relasyon sa pagitan ng Pilipinas at US. Ang US$434 milyong grant mula sa Millenium Challenge Corporation ng gubyernong US ay naglalantad ng pananalig ni Aquino  sa ibayong pagbubukas ng bansa sa dayuhang pamumuhunan at pangungutang. Paulit-ulit niyang hinihikayat ang mga dayuhang mamumuhunan para a turismo, business process outsourcing (BPO) o tinatawag na call centers, pagmimina, pabahay at agrikultura.  Ito’y nagpapakita ng bangkaroteng panananaw sa pag-unlad.

Hindi binanggit ni Aquino ang usapin ng VFA sa kanyang pakikipagkita kay US President Barack Obama at US Secretary of State Hilary Clinton. Hindi niya kinuwestyon ang permanenteng pananatili ng mga tropang Kano sa Mindanao mula pa noong 2002. Nagpahayag siya ng suporta sa patuloy na panghihimasok ng US sa Timog Silangang Asya. Ipagpapatuloy din ng Pilipinas ang papel bilang coordinator ng US sa ASEAN.

Umaayon ang rehimeng US-Aquino sa estratehiyang counter-insurgency ng US, ang pagsasanib na paggamit ng pwersa at panlilinlang upang supilin ang mga rebolusyonaryong pwersa. Kapalit nito ang patuloy na pagbibigay ng US sa Pilipinas ng tinatawag na “military aid” at ibang “tulong”.

Ang US$434 milyon MCC grant naman at ang $59 milyong pautang ng World Bank at iba pang pondo ay binubuhos ni Aquino sa mga huwad ng proyektong “kontra-kahirapan” tulad ng Kalahi-CIDSS sa ilalim ng DSWD. Hindi malayong gamitin din ito bilang bahagi ng US-directed counter-insurgency program ng gobyerno na gumamit ng panlilinlang kasabay ang pwersang militar. Di rin malayong mauwi sa katiwalian ang mga pondong ito sa panahon ng implementasyon.

Ang KALAHI-CIDSS ay proyektong mula pa sa rehimeng Arroyo. Hanggang sa kasalukuyan, ang mga probinsyang sakop ng programang ito ay kabilang pa rin sa mga pinakamahihirap na lugar sa bansa. Sentral sa programa ang mga Conditional Cash Transfer o pagbibigay ng pera bilang pantawid-gutom ng mga mahihirap. Kabilang din sa mga target areas ng programa ay mga komunidad kung saan may mga operasyon ng pagmimina.

Itinuturing ni Aquino ang Public-Private Partnership (PPP) bilang solusyon sa matagal nang suliranin ng kawalan ng hanapbuhay sa bansa.

 Sa kanyang pananalita sa harap ng Council on Foreign Relations sa US noong Setyembre 23, sinabi ng pangulo na:

The forging of private-public partnerships, or PPPs, would be our main engine in revving up our economy. We will enlist the participation of the private sector, both domestic and foreign, in big-ticket, capital-intensive infrastructure projects, while ensuring reasonable returns. We shall officially launch the PPPs this October. An initial list of 10 PPP projects worth $4.5 billion is already being developed. We look forward to the participation of the U.S. investors, specifically as we open up our infrastructure sector for foreign participation.

Sa kanyang pagbalik, ipinagmalaki ni Aquino ang may 40,000 trabahong kanyang nakuha, na karamihan ay sa business process outsourcing (BPO). Maliban na ang mga trabahong ito ay hindi naman maituturing na malaking kabawasan sa 11 milyong Pilipinong wala o kulang ng hanapbuhay, ang mga trabahong ito ay walang kasiguruhan at hindi magreresulta sa indutriyalisasyon ng ekonomiya ng bansa.

 Ang PPPs din ang nakikitang solusyon ng administrasyong Aquino sa kakulangan sa budget. Sa kanyang 2011 Budget Message sinabi ng pangulo na:

 With so many needs to fill, we are constrained to find new and creative approaches to making ends meet. We have found the answer. Public–Private Partnerships (PPPs) are an innovative way to address our long-standing lack of funds. We cannot rely on public funds alone to spur the country’s growth. We need additional investments from our partners in the private sector.

Tinawag ni Aquino ang 2011 budget na “reform budget”.

Subalit malayo sa pagiging “reform budget” ang P1.645 trillion National Budget na isinumite ni Aquino sa Kongreso. Nagkaltas ng badyet sa State Colleges and Universities (1.7% bawas) at serbisyong pangkalusugan (P1.4 bilyon bawas), habang nagdagdag ng P80.4 bilyon para sa pagbabayad ng utang (interes at prinsipal). Tumaas ng P4.1 bilyon ang badyet para sa AFP. Kinaltasan din ang badyet ng DFA para sa legal assistance sa mga OFW. Sa ilalim ng PPPs, babawasan ang pondo ng ilang mahahalagang serbisyong panlipunan dahil pupunuan ito sa pamamagitan ng pribadong sektor.  Mangingibabaw ang interes ng negosyo sa dapat sanay’ pampublikong serbisyo.

Kamakailan din ay tumining ang usapin ng kawalan ng tirahan matapos ang marahas na demolisyon sa North Triangle sa Quezon City. Ang “PPP” na Quezon City Business District, partikular sa North Triangle, ay makakaapekto sa may 9,000 pamilya.


Repormang agraryo 

Walang anumang kongkretong pahayag si Aquino sa usapin reporma sa lupa. Binawasan pa niya ang badyet ng DAR (P7.0 bilyon) at NFA (P8.0 bilyon). Nagpapakita ito ng mababang prayoridad sa reporma sa lupa at agrikultura.

Ipinangako ng noo’y kandidato pa lamang sa pagkapangulo na si Aquino na ipapamahagi niya ang lupain ng Hacienda Luisita sa mga magsasaka at manggagawang bukid. Subalit taliwas sa pangakong, naghugas kamay ang pangulo sa usapin ng pagpapatupad ng pamamahagi ng lupa ng Hacienda Luisita na pag-aari ng kanyang mga kamag-anak.

Tahimik si Aquino sa inihain ng Hacienda Luisita Inc. Management. na compromise agreement na magpapanatili sa stock distribution option (SDO) at sa kontrol ng mga Cojuangco-Aquino sa lupain. Ang kanyang pananahimik ay nakakatulong pa sa HLI Management na linlangin ang mga magbubukid.


Mga balakid sa kapayapaan

Sa kanyang SONA, naghain ng mga balakid si Aquino sa pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan. Inilatag nito ang “indefinite ceasefire” bilang isang kundisyon para maganap ang pag-uusap sa pagitan ng GRP at NDFP. Hindi ito kinakikitaan ng interes na lutasin ang ugat ng armadong tunggalian sa bansa. Hanggang ngayon ay wala pa itong binubuong peace panel para sa pakikipag-usap sa NDFP. Hindi rin malinaw kung aayon ito sa balangkas ng The Hague Declaration na siyang nauna nang napagkasunduang balangkas ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng GRP at NDFP.


Pamamahalang matuwid?

Ang administrasyong Aquino ay binubuo pa rin mga kinatawan ng malalaking negosyo at panginoong maylupa, mga neo-liberal na teknokrata at mga opisyales na nagmula pa sa nagdaang administrasyong Arroyo. Dahil dito, hindi talaga kakakitaan ng makabuluhang pagbabago sa mga patakaran ang bagong rehimen.

Sa pagtindi ng krisis ng naghaharing sistema, hindi na kayang itago ang matinding bangayan ng mga reaksyunaryong naghaharing-uri, lalo na ang paksyon sa loob mismo ng administrasyon. Humantong na ito sa punto na apektado ang mismong pamumuno ng Palasyo. Sinasabing ang dalawang mayor na paksyon, ang Balay Group (LP, Hyatt10) at Samar Group (mga kaklase at barkada), ang pinagmumulan ng bangayan.

Sa pagtugon sa hostage crisis sa Manila, nakita ang epekto ng hidwaan ng mga “barkada” at “kapartido” sa di maayos na koordinasyon sa pagtugon sa krisis. Lumitaw na ang Kalihim ng DILG ay wala palang direktang kontrol sa PNP dahil ibinigay ito sa USec na barkada ni Aquino.

Ang Manila hostage crisis ang unang malaking pagsubok sa administrasyong Aquino, at malinaw na palpak ang naging tugon at resulta nito. Hindi nakita ang pamumuno ng Palasyo sa katauhan ng pangulo at gabinete niya. Nauwi sa sisihan ang mga opisyal. Nakita ring inutil at hindi handa ang pulis at mga opisyal ng pamahalaan sa iba’t ibang antas. Pero ang pinagmulan ng kapalpakan ay ang kawalan ng malinaw pamumuno mula sa pambansang antas.


Konklusyon

Hindi kinakitaan ng makabuluhang pagbabago ang unang 100 araw ni Aquino. Walang pagbabago, bagkus ay tumitindi pa, ang krisis ng mala-kolonyal at mala-pyudal na lipunan. Ipinagpapatuloy at pinatitindi ni Aquino ang marami sa kontra-mamamayan at maka-dayuhang patakaran ng nagdaang rehimen. Superpisyal ang anumang mga reporma o pababago na ipinagmamaki ng administrasyon at hindi sapat ito para lutasin ang umiiral na krisis sa bansa. Mabilis na naglalaho ang kinang ng dilaw ni Noynoy.

Kailangang umasa ang mamamayan sa kanyang sariling lakas, inisyatiba at pakikibaka para maisulong ang tunay na pagbabagong panlipunan. Higit kailan ay kailangang isulong ang pambansa demorkatikong interes at pakikibaka ng mamamayang api sa buong bansa.

Students protest budget cut on Education (Link)

PLEASE WATCH.

Thousands of students from different state universities and colleges held a nationally coordinated walk-out last September 24 to condemn the Aquino administration's cut on the education budget.
KUNG MARAMING PERA, DI DAPAT NAG-AARAL NA LAHAT NG KABATAANG PILIPINO!

Passion For Reason Mandatory ROTC? Remember Mark Chua

By Raul Pangalangan 
Philippine Daily Inquirer 
First Posted 22:07:00 08/05/2010 Filed Under: Military, Crime, Graft & Corruption


THOSE WHO want to restore a mandatory ROTC should remember why in the first place it was abolished. In 2001, our Congress passed a law saying that the Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) shall henceforth be merely optional and voluntary. It was in response to a consensus that the ROTC had long outlived its purpose and had become merely another weekend drudgery that taught not nationalism but corruption.

This was dramatized by the murder of Mark Chua, a student at the University of Sto. Tomas, in March 2001. Chua uncovered corruption in the ROTC corps and exposed it in The Varsitarian, UST’s famous student newspaper, resulting in the relief of the commandant and his staff. He soon received death threats. He was assigned to undergo security training in Fort Bonifacio. After a few days, his decomposing body, hands hogtied and face wrapped with packing tape, was found afloat in the Pasig River. The autopsy showed he was still alive when he was dumped into the river. One killer has been sentenced to death, while the other three accused have gone into hiding and remain fugitives from justice.

The advocates of a mandatory ROTC have much explaining to do. The corruption that Mark Chua stumbled upon was by no means the exception. It was the rule. Apparently in the University Belt, ROTC attendance credits were up for sale. All it took was a cooperative attendance clerk and higher-ups willing to look the other way in exchange for a share of the loot. A UST alumnus, now a rising star in the legal profession, told me how it was during his undergrad years. Toward the end of the semester, you had to check the status of your attendance record to make sure you hadn’t exceeded the allowed absences. The officers required the cadets to “verify” their record but the students called it “veri-pay,” because for a fee, your absences will disappear.

Worse, here we have the textbook example of what anti-corruption advocates call the “rent-seeking” moment. First, there is a captive market of cadets—all hungry and thirsty during training, all of them required by the rules to purchase uniforms and the usual military insignia. Next, there is the supply of food, water, military boots and paraphernalia that can be accessed only with the blessings of the officers. They had the power to create a need. They had the power to control how that need was satisfied. It was a perfect formula, the ideal set-up, for anyone out to make a quick buck. The temptation to profit is programmed into the system—and in 2001 an innocent boy was dead.

The ROTC also ratified social inequalities. Cadets with cars didn’t have to march under the rain and the sun, for as long as they could drive their officers around campus during the training sessions. It was almost a preview of the dark side of the civilian-military games that grown-ups play, where the businessmen link up with generals who either protect them or give them the big procurement contracts.

For Filipinos old enough to hear about corruption but too young to have experienced it first-hand, the ROTC was usually their most typical first-time encounter with bribery or other forms of “palakasan” in exchange for creature comforts.

Finally, the ROTC fostered the wrong values. As an anti-ROTC manifesto said, it “instilled the sub-culture of fear, violence and hatred among the broad ranks of the students.” It provided a set-up where gay students would be exposed to ostracism. It provided a platform for ideological propaganda left behind from the Cold War and that until today is used to justify acts of terror against dissenters.

How the ROTC drifted into the doldrums actually shows how far it lost touch with its original goals of fostering discipline of mind and body, and consecrating that discipline to God and country. Perhaps half a century ago, it might have worked. For the current generation of Filipinos, it’s simply so grossly out of touch.

If the goal is to foster physical self-discipline, the athletic fields and gyms abound in genuine contests of body and soul. You don’t foster your health by marching on asphalt roads in leather boots where the real enemy is boredom. If the goal is to foster nationalism, I cannot imagine how marching in a long-sleeved shirt under the noon-day sun can foster one’s love of country. You learn merely patience and forbearance, sadly in ROTC’s case, for those who don’t deserve it. Go trekking through Banaue instead and realize the conditions under which your countrymen live. Then return to school determined to change the world so that the children will have a better world to inherit.

That is why Congress replaced the mandatory ROTC with the National Service Training Program, which provides non-military modes of citizenship training, namely, the Literacy Training Service and the Civic Welfare Training Service. These are ways by which students can help improve the lives of communities through work relating to the “health, education, environment, entrepreneurship, safety, recreation and morals of the citizenry.”

In a word, the ROTC was created for a bygone era when we accepted and embraced fixed hierarchies, and those at the top of the pecking order could bark out orders to those below solely on the basis of rank—and be convinced all along that you were all doing it for the good of the nation. The students of the 1950s and 1960s may have swallowed that hook, line and sinker, oriented as they were to the fiction of a reified state that embodied the common good. But today’s students are far too smart to take that bull.

Labanan ang budget cuts sa edukasyon! Wear your RED TSHIRTS!!!


Labanan ang pagkakaltas ng pondo sa edukasyon! Labanan ang komersyalisasyon ng edukasyon!
Edukasyon, karapatan ng mamamayan, ipaglaban!
Walk-out sa Sept 24! Wear your RED TSHIRTS!!!

PUP students rally in front of CHED to oppose cut in school budget
http://www.gmanews.tv/video/66326/qtv-pup-students-rally-in-front-of-ched-to-oppose-cut-in-schools-budget?utm_source=GMANews.TV&utm_medium=twitter%EF%BB%BF

Labanan ang budget cuts sa edukasyon!

Makakaranas ng malalaking budget cuts ang edukasyon at mga state universities at colleges (SUCs) kung iaapruba ng kongreso ang budget proposal ng gubyernong Aquino para sa taong 2011.

Sa P1.64 trillion na kabuuang budget ng gubyerno para sa taong 2011, P23.4 billion ang ilalaan sa mga SUCs, mas mababa kumpara sa P23.8 billion noong nakaraang taon. Nagmumukha lamang maliit sa bilang ang ibinaba dahil pwersado ang gubyerno na magtaas ng sweldo ng mga empleyado dahil sa pag-apruba ng dagdag sahod noong nakaraang taon. Pero kung tutuusin, di mapapantayan sa kasaysayan ang laki ng pondong ibabawas sa mga SUC.

Pinakamalalaking kaltas

Nasa 25 sa 112 na SUC ang kakaltasan ng pondo, ang may mga pinakamalaking kaltas:

  • University of the Philippines (-P1.39 billion or 20.11%)
  • Philippine Normal University (-P91.35 million or 23.59%)
  • Bicol University (-P88.81 million or 18.82%)
  • University of Southeastern Philippines (-P44.39 million or 20.03%)
  • Central Bicol State University of Agriculture (-P31.65 million or 15.91%)

Ito na ang pinakamalalaking kaltas sa pondo ng SUCs sa mga nagdaang taon.

Lahat pwera sa 15 na mga paaralan ay kakaltasan ng badyet para sa operations o maintenance and other operating expenses (MOOE). Ang iba lagpas 50% ang kaltas sa badyet sa operasyon. Ang kabuuang badyet para sa operasyon ay babawasan ng P1.1 billion, o 28.16%.

Ilan sa mga babawasan ng higit sa kalahati ang operating budget ay ang mga sumusunod:

  • Southern Philippines Agri-Business & Marine and Aquatic School (-66.27%)
  • Southern Leyte State University (-64.03%)
  • Central Bicol State University of Agriculture (-57.96%)
  • Partido State University (-56.83%)
  • Nueva Vizcaya State University (-53.65%)
  • University of the Philippines (-51.85%)
  • Aurora State College of Technology (-51.84%)

Ang Polytechnic University of the Philippines, kung saan pumutok ang protesta nitong taon laban sa pagtaas ng matrikula ay tatagpasan din ng -20.53% o mahigit P23M sa operating budget.

  Sang-ayon ang pagbabawas ng pondo sa patakaran ng gubyerno na higit na ikomersyalisa ang edukasyon. Higit pang iaabandona ng gubyernong Aquino ang responsibilidad na pag-aralin ang mamamayan at ipapapasan ang pagbabayad ng mataas na matrikula at mga bayarin sa mga mag-aaral at mga magulang.

Sa nakaraang mga taon, pababa ng pababa ang bahagdan ng inilalaang pondo ng gubyerno para sa pagpapaandar ng SUCs. Noong 2001, 84.14% ng pondo ng SUCs ay galing sa gubyerno, nasa 66.31% na lamang ito ngayong taon.

Tumataas naman ang kinikita ng mga SUC’s mula sa tuition at iba’t ibang mga bayarin. Mula sa kabuuang P1.5 billion isang dekada ang nakararaan, aabot ito sa mahigit-kumulang P7.7 billion sa 2011, ayon sa projection ng gobyerno. Ito ay bubuo sa mahigit 22.1% ng kabuuang budget ng mga SUC’s mula sa 8.3% lamang noong 2001.

Matatandaang noong 2006, nagtaas ang tuition fee ng UP nang 300%, na umaabot na ngayon ang matrikula sa mahigit P40,000 kada taon, mas mataas pa sa ilang malalaking private schools. Kasabay ding itinulak ang pagtataas ng mga bayarin sa iba pang mga SUC sa buong bansa. Nitong Marso, tinangka ng administrasyon ng PUP na magtaas ng matrikula ng mahigit 2000% na pinigil ng mga protesta ng mga mag-aaral.

Itutulak ng higit na pagtataas ng mga bayarin ang pagdami ng mga hindi makakatapos o makakatungtong man lamang sa kolehiyo. Lalo nitong ipagkakait sa mas maraming kabataan ang karapatang makapag-aral. Ngayon pa lamang, 14% lamang ng mga pumapasok ng elemtarya ang makakatapos ng kolehiyo. Nasa SUCs ang mahigit 40% ng mga estudyante sa kolehiyo dahil na rin sa taas ng matrikula sa mga pribadong paaralan.

Ito ba ang matuwid na daan? Ang pagkakait ng karapatan ng mamamayan sa edukasyon? Ipokrito pang anunsyo ni Aquino na ang kanyang budget ay para sa “reporma” at “biased sa mahihirap.”

Pero ayon din kay Aquino, simula pa lamang ito. Buong pagmamalaki niyang sinabi sa kanyang budget message: “the government aims to gradually reduce subsidy to SUCs” to “push them toward becoming self-sufficient and financially independent.”
Kapos na budget sa DepEd

Habang kinakaltasan ang pondo ng SUCs, kapos naman at mapanlansi ang pondong idinagnag sa DepEd na may 18% budget increase from 175 billion pesos to 207 billion.

Kulang ito ng mahigit P300 billion kung susundon ang rekomendasyong 6% ng GDP ng UN. At lubhang kulang ito para matugunan ang mga kakulangan sa pasilidad at guro.

Target lamang ng gubyterno na ang 18,000 na bagong classroom, gayong ang kailangan ay 152,000, 10,000 bagong teacher gayong 103,599 ang kulang, at 32 million na textbook sa 95 million na kulang.

Ngunit kahit kaunti ay hindi din ito makakadagdag kung aalalahanin na ang dagdag pondong ito ay para sa dagdag 2 taon na programa ng gubyerno. Nabanggit na ni Aquino na ang plano ng kanyang gubyerno ay magdagdag ng P20B sa limang taon para sa dagdag taon. Ibig sabihin, anumang madagdag gamit ang badyet nito ay mawawalang saysay din sa pagpapatupad ng K12 program.

Dagdag badyet sa bayad-utang, militar at kurakot

Habang kinakaltasan ang pondo ng mga paaralan, magdadagdag naman ng pondo para sa bayad utang, militar at pangungurakot.

Pinakamalaking dagdag sa badyet pambayad utang sa kasaysayan ang proposal ng gubyernong Aquino. Madadagdagan ng P80.9B ang pambayad interes na aabot sa P357.1 billion. Ang kabuuang ibabayad sa utang panlabas, kung isasama pa ang prinsipal ay aabot sa P823.7 billion.

Madadagdagan din ang pondo ng militar. Ang badyet ng Department of National Defense (DND) ay tataas mula P96.2 billion tungong P104.7 billion. Ang pondo ng AFP sa kabila ng human rights violations ay tataas ng P10 billion. Ang PNP magtataas ng P6.6 billion na ilalaan din sa counter insurgency.

Tataas din ang pondo na dati nang nagagamit sa pangungurakot: ang pork barrel tataas mula P10.9B tungong P24.8B. Ang mga dole out funds at panuhol aabot ng P29.2B, at mga lump-sum funds sa “Public-Private Partnership Support” na aabot ng P15B.

Labanan ang kaltas badyet sa edukasyon!

Dapat pigilan ng nagkakaisang lakas ng kabataan at mamamayan ang mga kaltas pondong ito sa edukasyon. Pakilusin natin ang pinakamarami at pinakamalawak na hanay ng mga mag-aaral, guro, adminstrador at mga magulang laban sa budget cut, para sa karapatan sa edukasyon, at laban sa komersyalisasyon.

Kalampagin natin ang mga kinatawan sa kongreso at senado na ibasura ang mungkahing kaltas sa badyet sa edukasyon at sa halip irechannel ang pondo ng bayad-utang, militar at kurakot sa pondo sa edukasyon.

Sa darating na Setyembre 24, malakas nating ipapahayag ang ating pagtutol sa pagkakaltas ng pondo sa edukasyon. Nananawagan ang mga organisasyon ng kabataan ng pambansang walk-out sa mga paaralan sa buong bansa para labanan ang mga kaltas sa badyet at kondenahin ang gubyernong Aquino sa kataksilan nito sa kabataan at mamamyan.

Labanan ang pagkakaltas ng pondo sa edukasyon! Labanan ang komersyalisasyon ng edukasyon!
Edukasyon, karapatan ng mamamayan, ipaglaban!
Walk-out sa Sept 24!

PAGTANAW AT PAG-SULONG

Everybody is invited to attend the:

KARAPATAN QUEZON
in cooperation with
PUP SSC

presents

PAGTANAW AT PAG-SULONG:
Ika-38 na Taong Paglaya Mula sa Batas Militar at sa Kasalukuyang Kalagayan ng Karapatang Pantao.

Venue: PUP Gymnasium
WITH NO REGISTRATION FEE


PROGRAMME:

Arrival of Delegates

Registration

Opening Prayer -
Mr. Mark Angelo V. Anda - YFC Communications Head - Sta. Elena Chapter

National Anthem

Opening Remarks -
Mr. Patrick Venus - PUPSSC President

On Human Rights Situation in the Philipinnes -
Mr. Darwin Bonrostro - Sec. General - Karapatan - Quezon

Intermission -
Kayumanggi Dance Artist

Introducion of Guest Speaker -
Mr. Darwin Bonrostro - Sec. General - Karapatan - Quezon

Message -
Hon. Wilberto "Bobby" Tañada - Former Senator

Reactos -
Mr. Jerome Obligar - MEM Student, PUPLQ
Mr. Virgilio Eleazar - Sec. General, Quezon Coco Farmers Alliance

THEME:
Learn from the Martyrs of Martial Law,
Defend Human Rights!
Unite for the Advancement of peace and justice,
for a genuine Social Change

See you there!

BATO-BATO SA LANGIT, TAMAAN AY GALIT!!!

Kamusta na,mga Isko at Iska? Well, katatapos lamang ng mid-term exams natin. At tapos narin ang isang linggong puyatan sa pagrereview. Pero hindi pa rin tapos angpaulit-ulit na isyu.

"PARI – NAPAKAMOT SA ULO!"
August 9, 2010 –tinawagan ng isang CHIKADORA mula sa PUP Lopez ang isang pari sa Guinayanganupang ipaabot na may nag-solicit na nagngangalang Ryan Tan sa PUP Lopez, dagdagpa ng chikadora ay sa kumbento din daw nakatira si Kuya Ryan. Bigla tuloynagtanong si Father: "May maipapakita ba kayong kopya para patunayan yan?".Sagot naman ng chikadora: "Father, eh wala po". Napakamot na lamang sa ulo angPari.
Isa sa "SAMPUNG UTOSNG DYOS" – HUWAG KANGMAGSINUNGALING. Dapat pala, ang ginawa na lamang ngchikadora ay nangumpisal sa halip na mang-abala. Pano naman mangyayaring sakumbento tumutuloy si Kuya Ryan eh may bahay naman sila dun at kapitbahay paniya sina Father? (CHARRRR!!)

"PUP Lopez – FOR RENT?"
Sa lahat ng mgaeskwelahang alam natin, click na click ang PUP Lopez – Sa Pagpapaupa ng lote nanagkakahalagang P5,000 sa sariling estudyante nito. Akalain nyo ba, mga iskoat iska, kung ang Non-Acad Org ay magtatayo ng tambayan ay obligado silangmagbayad kay Sir Oidem ng nabanggit na halaga (ang taray, para kang bumili nglote sa subdivision). Well, nariyan din ang pag-upa sa halagang P500 napaggamit ng conference room sa 2nd floor ng Nantes Building (sosyal,ang alam natin, donated yan ng dating Gob. Nantes). Wish ko lamang, hindi sanamagmulto si Gob. Nantes pag nalamang pinauupahan sa PUP ang donated nyang  Building (woooohhh).
Sir, Maam, nasubukannyo na bang magbasa ng Konstitusyon ng Pilipinas o kumunsulta sa Attorney kunganung maaaring isampang kaso sa inyo ng mga Iskolar ng Bayan ukol sa ilegal napagnenegosyo nyo sa eskwelahan? *tsk, tsk, tsk.
"Ambagan... NA NAMAN!!!"
Kamakaylan ay mayipinakalat na mga ticket (para sa nalalapit na anniversary ng PUP Main) angilang mga guro sa PUP. As usual, dagdag bayarin na naman ito ng mga magulang.Ayon sa mga guro, ang ticket daw ay 1:3, 1 ticket para sa 3 estudyante (P50bawat isa). Dagdag pa nila, mayroon raw nito sa mga PUP Extensions/branches.Sagot naman ng Student Regent na si Ate Che: "Totoo na may ticket, ngunit hindiito compulsory at para lamang sa may gusto".
Panu ba yan sir/maam,ang P50 pang-ambag ko, ibibili ko na lamang ng:
1kg Bigas         –  P30
1/4 kg Tuyo     –  P25           
                           P55
"ISKO/ISKA: TIYAK, BUSOG PA AKO!"

"SIR ENTIENZA: CLASS TALK SHOW"
May nabalitaan tayo,na sa mga isko/iska ng CE-1, bago magsimula ang klase ni Mr. King of TALK (SirEntienza),  ay magkukwento muna si SirEntienza ng tsismis tungkol kay Ryan Tan.
Tanung naman ng mgaisko/iska, kasama ba sa syllabus na itinututo nyo ang personal na buhay ni KuyaRyan? Sir Entienza, dapat mag-apply kayo na co-host ni Boy Abunda sa "D BUZZ", total,marami namang gustong mag-apply na mahuhusay sa iiwan nyong trabaho sa PUP.

Haay naku, ang mga isyungnabanggit sa itaas ay ilan lamang sa mga isyung paulit-ulit na pinag-uusapan saPUP. "Akala ko ba modern na, bakit usopa ang sirang plaka?!"

PDI: YOUTH GROUP SAYS ROTC IMPOSED IN QUEZON SCHOOL.

Wednesday, August 11, 2010


TO READ:
press CTRL + SCROLL WHEEL (scroll forward)



The COUNTER LETTER to an OPEN LETTER to Mr. Ryan Niño Tan of BSBA 4C

PAKIUSAP, TIGILAN N’YO NA ANG PAGGAWA NG DAHILAN NA IKAGUGULO NG ATING SINTANG PAARALAN.

Quotes from the Open Letter sent by SAMANAMA (Samahan ng mga Mag-aaral na Nagmamahal sa mga Magulang):

“.. halos dalwang taon kaming tahimik nang mawala ka sa ating paaralan ..” “.. naging matino ang samahan ng mga mag-aaral, guro, empleyado, at administrasyon ..”

-Hahaha… natatawa ako sa mga passage na ‘to, kasi naman, naalala ko yung time na pumunta pa yung student regent from PUP Main na si Ms. Sopia Prado sa ating paaralan dahil sa gulong buhat ng hindi mapagkasunduang araw ng pag-susuot ng uniform, at napagsabihan pa sya ng isang professor na lalake (nga ba?) ng: “WALA KANG KARAPATANG MAGSALITA DITO”. Naalala ko rin yung time na nakita ko mismo kung paano nagwala, nagsisigaw, at namula ang mukha ng isang babaeng professor sa loob ng canteen habang isinasagawa ang Meeting de Avance sa pagitan ng GABAY at SLP sa stage ng quadrangle. Ito na pala yung sinasabi nilang TAHIMIK at MATINO.


“.. ang lahat ng mga problema namin ay napag-uusapan sa mapayapang paraan ng walang halong pananakot ..”

-Isang lalaking professor ang nagbanta sa kanyang mga estudyante na ibabagsak sila nito sa subject nya kapag sinuportahan nila ang isang partikular na partidong lumalaban para sa posisyon sa SSC.. *nakakatakot naman : )


“.. hindi namin kailangan ang magarbong kasuotan para lamang pumasok ..”

-Kaya pala sapilitan tayong pinagsusuot ng uniform (wait, hindi ko nabanggit, IISANG SET NG UNIFORM SA LOOB NG APAT NA ARAW.. galaw ka?!), kaya pala kaylangan nating labahan ang uniform natin gabi-gabi o di kaya naman eh tuwing Miyerkules, kasi ayaw nila tayong magsusuot ng FREE STYLE o di kaya naman eh ayaw nilang gamitin natin sa loob ng paaralan ang ating magagarbong tsinelas (pakibasa ulit: MAGAGARBONG TSINELAS.. sa ikalawang pagkakataon, galaw ka?!). Nakakainis lang, kasi ito’y harapang paglabag sa sinasaad sa BINAYARAN kong Student Handbook, Revised Edition: Section 2, Social Norms (first article toh, see for yourself). Talo pa ako ng mga gwapong pulis na labas-masok sa PUP kahit may dala silang baril, HINDI LANG AKO MAGSUOT NG UNIFORM, BAWAL NA AKO PUMASOK AT MATUTO HANGGAT HINDI KO SAPALARANG TATAHAKIN MULI ANG DAAN PAUWI AT ISUOT ANG AKING UNIFORM NA MAAARING HINDI PA NATUTUYO MULA SA SINABAK NITONG LABA KAGABI (wala naman kasing araw sa gabi, wala din naman kaming ref, kawawang uniform). Naalala ko din na may mga adviser teachers na nag sasabi samin na mag YES dun sa signature campaign na isinaginawa para sa pagpapatupad ng apat na araw na pagsusuot ng uniform, na nagging dahilan kung bakit ito naipatupad.


“.. marunong din kaming gumalang sa aming kapwa mag-aaral ..”

-Oh yeah? Hindi ba’y harapang kawalan ng galang ang pamimigay ng mga pulyetos na naglalaman ng paninira sa isang lehitimong mag-aaral ng ating pamantasan? Napansin ko lang, ang nakapangalan sa ibaba ng mga pulyetos eh: SAMAHAN NG MGA MAG-AARAL NA NAGMAMAHAL SA MGA MAGULANG. Teka lang, ngayon ko lang narinig yun ah, meron ba talaga nito? Gusto ko kasing sumali dahil mahal na mahal ko din ang aking mga magulang. Ayaw ko silang mahirapan lalo sa paglulukad, o di kaya naman eh lalong magtagal sa initan sa pagbubungkal ng lupa sa sakahang hindi naman namin pag-aari, dahil lamang bumaba ang pondo ng kasalukuyang gobyerno para sa edukasyon at magtataas na ng tuition fee ang Sintang Paaralan ng mga mahihirap next semester. Napakasakit lang na tila yata ginagamit pa nila ang aking mga magulang upang makuha ang aking simpatya para sa kanila at mamunghi sa taong kung tutuusin ay tinutulungan ako at tinutulungan ang mga magulang ko upang hindi sumakit ang ulo nila sa kaiisip sa kung saan huhugutin ang ang ipapambayad para sa aking tuition fee.


“.. mag-aral ka nalang at magtapos ng kahit papaano ay makatulong ka sa pamilya mo na gumapang upang makapagpatuloy ka sa pag-aaral ..”

-Papanong hindi aalalahanin ni Mr. Tan ang mga bagay na gusto ng mga taong ito’y pagdisisyunan nila lamang kung alam nyang hindi naman ang mga taong ‘to ang magbabayad ng kanyang tuition fee? Kung sila ang magbabayad sa mga gastusin ng lahat ng mag-aaral sa PUP, sige, payag. Pero kung hindi, wag na silang magtaka kung dumating ang araw na nagkakaisa ang mga mag-aaral kasama si Mr. Tan upang tutulan ang pagtaas ng tuition fee at hadlangan ang mga katiwaliang nagaganap sa loob ng pamantasan.


NOTE: THIS IS PROBABLY THE BEST PART:

“.. Please tumigil ka na, baka ilahad pa namin ang iyong pagkatao ..”

-Hahahaha.. Hindi ba harapang pananakot ito sa panig ni Mr. Tan? Wait, pakibasang muli yung sinulat nila sa itaas:

“.. ang lahat ng mga problema namin ay napag-uusapan sa mapayapang paraan ng walang halong pananakot ..”


At para bigyan ito ng katapusan, nais ko lamang ibalik sa mga myembro ng SAMANAMA (o SAMA-NAMAn) ang kanilang pahayag:

HUWAG N’YONG LASUNIN ANG ISIPAN LALO’T HIGIT ANG ATING MGA FIRST YEAR STUDENTS.

-Maraming Salamat.

MGA ISKO AT ISKA… PAG-USAPAN NATIN ANG PAULIT-ULIT NA USAPIN

MGA ISKO AT ISKA… PAG-USAPAN NATIN ANG PAULIT-ULIT NA USAPIN

“There is no constant in this world except changes” ito ang katagang namumutawi sa pangkalahatang ideya sa oras at panahon, panahong nagbabago; nagbabago ang bawat oras, panahon at kasaysayan; ang taon ay nagbabago; pero may napapansin ako… ano kaya ito? Ah, alam ko na.

Nasa loob pala ako ng pamantasan; pamantasang sinasabing pandayan ng kabataan… sa ideya ng kalayaan sa mga Iskolar ng Bayan; pamantasang popondohan ng karunungan, kaya sinasabi ng lahat… WE HAVE A FREE MARKET OF IDEAS. Ang tamis tikman at pakinggan ngunit may napapansin ako… Kayo ba? Napapasin nyo din ba?

Sistemang paulit-ulit
Ang sistemang di pa rin nababago sa loob ng PUP – napipintong pagtaas ng matrikula, sapilitang ambagan, miscellaneous na kaduda-duda, Budget Cut sa edukasyon, Income Generating Projects… maging takbo ng pamunuan ay di ko maitsurahan. Ano na tayo kaibigan? Syanga pala, idamay na natin ang ilang myembro ng administrasyon at iilang nagmamagaling na instructor sa pamantasan na wala ng maisip na taktika kundi ang umepal at nagmamarunong di-umano sa mga polisiyang nakabubuti sa mga Iskolar ng Bayan. tanong ko lang Ma’am at Sir, kumusta kaya ang politika nyo sa loob ng faculty sa pakikipagplastikan sa kapawa nyo? Naayos nyo na ba? Hehehe! Opps, wag magagalit tamaan man kayo; sige na nga, magalit na kayo.

Kumusta – ulit-ulit… na naman?!
2007 sa loob ng pamantasan ; oyyy! Si Ma’am ng guidance nagbaba ng utos na kumpiskahin ang ID sa mga estudyanteng di nagsasapatos, mahaba ang buhok, at nakahikaw?!
Tanong: Alam ba ng SSC ito? Nakasaad ba ito sa Student Handbook? Dumaan ba ito sa deliberasyon at konsultasyon sa mga Isko at Iska?
Sagot: Ang alam ko wala eh, pero may memo mula sa PUP Main na nakalagay na tanging mga empleyado at guro lamang ang inaatasan tulad ng pagsasapatos, pero di kasama dito ang mga students… Oy! Si Manong Utility, bakit hanggang ngayon naka-tsinelas pa din? Aba, nakumpiska na ba ng Guidance ang kanyang ID dahil naka-tsinelas sya?
Haist! Pati naman KARAPATAN KO DINAMAY PA. malinaw pala ito na illegal ang patakarang pangungumpiska ng ID kasi sabi sa batas, bawal mangumpiska kahit ang direktor, OSA, Presidente, maging Guard ng ID sa estudyante ayon sa student handbook… maaaring makasuhan ng administratibo. Kung gayon, dapat pala matagal ng kinasuhan ang departamento ng “Guidance Office” na hanggang ngayon di pa rin nagbabago ng ilegal na sistema ng Guidance. Hahaha! May nabalitaan ako, alam nyo ba nakatambak sa tanggapan ng Guidance ang mga ID ng estudyante? Syanga pala, sino na nga pala ngayon ang Guidance Councilor? Kayo, kilala nyo ba? Ako, hindi ko pa kilala. Itanong nyo sa SSC. Baka alam nila. At para alam din ng SSC, gisingin nyo ang komite ng Students Rights na matagal na atang tulog sa opisina nila… Hoy! Gising! TV Patrol na, baka DZRM ka pa!
Sakit na ng ulo ko, pero itutuloy ko pa rin ang kwento, tungkol naman ito sa pagko-quota ng klase ng CWTS 35/Class at mandatory ROTC sa PUP. Ito ay katotohanan. Ngunit wala naman talagang ganong policy, gawa-gawa lang nila ito. Sabi daw, “Internal Affairs” di umano ito ng Admin… Avah Maria, bongga na pala! May ganoon? 2007-2008 nangyari na din iyan peronaharang ng dating SSC president na si Kuya Jerom Obligar sa pormal na dialogue at pagpapalabas ng katotohanan. NAKAKAMISS ka din kaya ha! Ayos lang, andito pa naman sa piling namin si Kuya Ryan Tan, ang taray ha! Napasakit mo ang ulo ng mga umi-epal ng guro. Ayon, ginantihan ka tuloy. Nagpalabas agad sila ng Black Propaganda sa’yo gamit pa ang signatura ng SAMANAMA o Samahan ng mga Mag-aaral na Nagmamahal sa mga Magulang. Mas ok na tawagin nating “SAMANAMAn”. Magpakilala nga kayo. Huwag kayong magtago at huwag niyong lapastanganin ang pangalan ng Iskolar ng Bayan! Nadadamay ako noh! Di ba paparazzi! Nabalitaan ko din na magreresign daw si Ma’am Quidilig kung hindi i-uurong ang kaso ng 18 students na complainant sa kasong ito. Hay naku, pati si Ma’am Director naka-absent tuloy dahil naman sa sistema niyo. Kumusta naman si Ma’am Director, namimiss na sya ng mga komplinants, sabik na kasi silang makaenrol sa CWTS! Hay, buhay! Madrama talaga! Ayon, sa sobrang drama ni Ms. Olaivar, napa-cryola Best Actress talaga! Epek ang Lola!
Harassment, pananakot, pagdadrama, ay ilan lamang taktika ng mga ito para makuha nila ang panig ng mga nagrereklamo… balita ko ang tapang ng mga first year. Go! Go! Go! Salamat Kuya Ryan! Eto pa, si Sir Atienza umapela, kasi daw pakialamero si Ryan. Pakialamero ka naman, SPB ka naman pala Sir! Teka lang Sir, every year ka bang nagpapa-ambag sa CE at EE 1 para sa drafting room? Kawawa naman ang kapatid ko sa CE. Hay! Kumusta na kaya yong mga students na advisory class na nakakarinig ng greenminded ideas from you? Alam ba ito ni Director? Sana nakapagreview ng Code of Ethics ng professionalism ng ilang instructor.
Aray ko! Masyado na yata akong madaldal. Antok na ‘ko, ito na nga, seroius na tayo…

Nananatili pa rin ang alab ng sulo ng kalayaan mula sa mga lider kabataan sa loob ng pamantasan. Layon pa rin ng mga abanteng ito ang pagkundena sa mga di maka-estudyanteng polisiya maging pagtataguyod ng interes ng mga Isko at Iska.
Muli, ang magsasabing panggulo lamang sila sa loob ng pamantasan; tandaan natin, walang gulo kung mismo ang nagpapatupad ay tumatanaw sa interes ng estudyante. Kung nasa ayos ang delibarasyon at konsultasyon na walang halong pananakot tulad ng pagpapatupad ng 4 days school uniform at panduduro ng mga Instructor kay Onato Jeferson, isang Isko ng Pamantasan, noong kasagsagan ng konsultasyon sa usaping uniform. Masasabi bang maayos at tahimik ang PUP sa loob ng dalawang taon dahil walang lakas ng loob ang mayorya ng kabataan sa ayaw na ayaw sa 4 days school uniform.
Masasabi kung bagsak na ang Kredibilidad ng ilang naghahari-harian sa loob ng Pamantasan! Sir, Ma’am, kayo ang dahilan kung bakit dumadami na ulit ang mga progresibong lider sa loob ng Pamantsan!
Mangahas, makisangkot, makibaka. Kabataan, ikaw na nga! Makinig. Mag-obserba. Ramdamin. Makilubog. Makisangkot. Manindigan. Hayaan nating dalhin tayo ng katotohanan sa isang milyong dahilan kung bakit kailangan nating makibaka sa batayang masa.